Cyrillus Jay Corro Britanico

Naked confessions of a wanderlust.

>> nakakamiss ka rin pala << September 29, 2005

Excited pa ako nung una
Sa pag-alis mo.
Mapag-iisa kasi ako.
Makakapagsarili
Sa dating mundo
Na sabay nating ginagalawan,
Iniinugan
At pinagsasaluhan.

Sabi ko,
Yes!
Walang makikialam.
Walang manenermon.
Kanya-kanya tayo.
Dito ako.
Sige,
Diyan ka.

Excited ako.
Oo.
Pero iba pa rin pala
Ang matulog ng katabi ka.
Ang mahalikan bago matulog.
Ang mahaplos
At mayakap ng malalambot
Na mga bisig
Na puno ng pagmamahal.

Nakakamiss ka rin pala.
Akala ko kasi hindi
At kaya kong mag-isa.
Mali pala ako.
Sorry.
Bumalik ka na.

At ngayon,
Mas excited na ako
Sa muli mong pagbalik.

Aantayin kita.

Doon pa rin sa
Mundo nating pinagsasaluhan.